Sony Xperia M5 - Paglalagay

background image

Paglalagay

Mga nano SIM card lang ang sinusuportahan ng iyong device. Gamitin lang ang mga nano SIM

card na mula sa factory na partikular na idinisenyo upang magkasya sa slot ng nano SIM card

sa iyong device.

8

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Para ipasok ang nano SIM card

Mga nano SIM card lang ang sinusuportahan ng iyong device. Tiyaking ang holder ng nano

SIM card ang iyong gagamitin at huwag maipagpalit ang slot ng nano SIM card sa slot ng

memory card.

1

Ipasok ang kuko sa pagitan ng itaas ng takip ng slot ng nano SIM card at ng

device, pagkatapos ay buksan ang takip.

2

Gamit ang dulo ng isang itinuwid na paper clip (o iba pang katulad ng bagay na

may mahaba at manipis na dulo), pindutin ang button sa tabi ng slot ng nano SIM

card (gaya ng inilalarawan) para palabasin ang holder ng nano SIM card.

3

Hilahin palabas ang buong holder ng nano SIM card.

4

Ilagay ang nano SIM card sa holder, pagkatapos ay ibalik ang holder.

5

Isara ang takip.

Kung magpapasok ka ng nano SIM card habang naka-on ang device, awtomatikong magre-

restart ang device.

Para magpasok ng memory card

1

Ipasok ang kuko sa pagitan ng itaas ng takip ng slot ng memory card at ng

device, pagkatapos ay buksan ang takip.

2

Gamit ang dulo ng isang itinuwid na paper clip (o iba pang katulad ng bagay na

may mahaba at manipid na dulo), pindutin ang button sa tabi ng slot ng memory

card (gaya ng inilalarawan) para palabasin ang holder ng memory card.

3

Hilahin palabas ang buong memory card.

4

Ipasok ang memory card sa holder, pagkatapos ay ibalik ang holder.

5

Isara ang takip.

Tiyaking hindi baligtad ang memory card kapag ipinasok mo ito.

Upang alisin ang nano SIM card

1

Buksan ang takip para sa mga slot ng nano SIM card at memory card.

2

Hilahin palabas ang tray ng nano SIM card gamit ang iyong daliri.

3

Alisin ang nano SIM card, pagkatapos ay muling ikabit ang tray.

4

Isara ang takip.

Upang alisin ang memory card

1

I-off ang device, o i-unmount ang memory card sa ilalim ng

Mga setting >Storage

at memory > sa tabi ng SD card.

2

Buksan ang takip ng slot ng nano SIM/memory card habang nakaharap pataas

ang screen.

3

I-drag ang tray ng memory card palabas gamit ang iyong fingernail.

4

Alisin ang memory card, pagkatapos ay itulak ang tray patungo sa slot hanggang

magkasya ito.