Sony Xperia M5 - Shortcuts at folder

background image

Shortcuts at folder

Gamitin ang mga shortcut at folder upang pamahalaan ang iyong mga application at

panatilihing malinis ang iyong Home screen.

Pangkalahatang-ideya ng mga shortcut at mga folder

1

I-access ang isang application sa pamamagitan ng paggamit ng shortcut

2

I-access ang isang folder na naglalaman ng mga application

Upang magdagdag ng shortcut ng application sa iyong Home screen

1

Pindutin nang matagal ang isang bakanteng lugar sa iyong Home screen.

2

Sa menu ng pag-customize, tapikin ang

Mga Widget > Shortcuts.

3

Mag-scroll sa listahan ng mga application at pumili ng application. Maidaragdag

ang piniling application sa Home screen.

Upang ilipat ang isang item sa Home screen

Pindutin nang matagal ang isang item hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ang item sa bagong lokasyon.

Upang mag-alis ng item mula sa Home screen

Pindutin nang matagal ang isang item hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ang item sa

Alisin sa Home screen sa itaas ng screen.

Upang gumawa ng folder sa Home screen

Pindutin nang matagal ang isang icon ng application o isang shortcut hanggang

sa magba-vibrate ang device, pagkatapos ay i-drag at i-drop ito sa itaas ng isa

pang icon ng application o shortcut.

Upang magdagdag ng mga item sa isang folder sa Home screen

Pindutin nang matagal ang isang item hanggang sa mag-vibrate ang device,

pagkatapos ay i-drag ang item patungo sa folder.

Upang palitan ng pangalan ang isang folder sa Home screen

1

Tapikin ang folder upang mabuksan ito.

2

Tapikin ang title bar ng folder upang ipakita ang field na

Pangalan ng folder.

3

Ipasok ang bagong pangalan ng folder at tapikin ang

Tapos na.