Paghahanap ng identification number ng iyong device
Ang iyong device ay may natatanging identification number. Ang numerong ito ay
tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang magpanatili ng
kopya ng numerong ito. Halimbawa, maaari mo itong kailanganin kapag na-access mo
ang serbisyo ng suporta ng Xperia™ Care upang irehistro ang iyong device. Gayundin,
kung nanakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang network provider ang
numerong ito upang mapigilan ang device na i-access ang network sa iyong bansa o
rehiyon.
Upang tingnan ang iyong IMEI number sa label tray
1
Magsingit ng kuko sa puwang sa pagitan ng itaas ng takip ng slot ng memory
card at ng device, pagkatapos ay buksan ang takip.
2
Gamit ang dulo ng isang pinatuwid na paper clip (o ibang katulad na bagay na
may mahaba at pinong dulo), pindutin ang button sa tabi ng slot ng nano SIM
card upang palabasin ang holder ng nano SIM card.
3
Hilahin ang holder ng nano SIM card nang ganap.
4
Gamit ang parehong tool sa hakbang 2, hilahin palabas ang label tray mula sa slot
ng nano SIM card. Ang IMEI number ay ipinapakita sa label tray.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paano palabasin ang holder ng nano SIM card,
sumangguni sa mga tagubilin sa kung paano magkabit ng SIM card. Kung may nakakabit nang
SIM card sa device, awtomatiknog magre-restart ang device kapag lumabas ang holder.
Upang tingnan ang IMEI number, maaari mo ring buksan ang dialer ng telepono at ipasok ang
*#06#
.
Upang tingnan ang iyong IMEI number sa pamamagitan ng mga setting ng device
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >
Impormasyon ng IMEI.