Sony Xperia M5 - Paggamit ng iyong device sa mga basa at maalikabok na lugar

background image

Paggamit ng iyong device sa mga basa at maalikabok na lugar

Ang iyong device ay waterproof at pinoprotektahan laban sa alikabok, kaya huwag mag-

alala kung mababasa ka sa ulan o gusto mong magtanggal ng dumi sa gripo, pero

tandaan: nakasara dapat nang mahigpit ang lahat ng port at nakakabit na takip. Hindi

mo dapat: ganap na ilubog sa tubig ang devicer; o basahin ng tubig-dagat, tubig-alat,

tubig na may chlorine o mga likido gaya ng mga inumin. Ang pag-abuso at hindi

wastong paggamit ng device ay magpapawalang-bisa sa warranty. Ang device ay

mayroong Ingress Protection rating na IP65/68. Para sa higit pang impormasyon, tingnan

ang

www.sonymobile.com/waterproof

.

Hindi saklaw ng iyong warranty ang pinsala o mga pagkasira na sanhi ng pag-abuso o

paggamit sa iyong device laban sa mga tagubilin ng Sony Mobile. Para sa higit pang

impormasyon tungkol sa warranty, tingnan ang Mahalagang impormasyon, na maaaring

i-access sa

support.sonymobile.com

o sa

Mga Setting > Tungkol sa telepono > Legal

na impormasyon.
Ang iyong device ay may USB port na walang takip. Dapat ay ganap na tuyo ang USB

port bago magkonekta ng kable para sa pagcha-carge o paglilipat ng data, halimbawa.

Kung mabasa ang iyong device, punasan ito gamit ang isang microfiber cloth hanggang

sa matuyo at kalugin ang device nang hindi bababa sa 15 beses nang nakaharap

pababa ang USB port. Ulitin ang proseso kung may nakikita pa ring tubig sa USB port.

Ipasok lang ang USB cable sa USB port kapag ganap nang tuyo ang USB port.

Upang patuyuin ang USB port

149

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

1

Gamit ang isang micro-fibre cloth, punasan ang anumang tubig sa iyong device.

2

Hawakan nang maingat ang device nang nakaharap pababa ang USB port,

kalugin ang device nang hindi bababa sa 15 beses.

3

Kung may nakikita pa ring tubig sa USB port, kalugin ulit ang device nang ilang

beses.

4

Gumamit ng micro-fibre cloth upang punasan ang anumang natitirang tubig sa

USB port.